KATHA NI
MANUNULAT SA "BUHAY PILIPINAS"
Unang pagkalimbag MAYNILA, S.P.—1908
LIMBAGAN NI E.C. ESTRELLA, BUSTILLOS BLG 9,(SAMPALOK) TELEFONO 1199
[Transcriber's note: Tilde g in old Tagalog which is no longerused is marked as ~g.]
[Paalala ng nagsalin: May kilay ang mga salitang "ng, mga," atiba pa upang ipakita ang dating estilo sa pag-sulat ng Tagalogna sa ngayon ay hindi na ginagamit.]
Niaó'y buwán n~g Diciembre at ang malamígna simoy ay umáanyaya sa tanáng na sumangap n~gmaligayang sandalíng iniáalay n~g kaparan~gan, atbagá man dito sa ati'y di kaugalian ang magaksayá n~gpanahón sa paglilibáng, ay ilan kong m~ga kaibiganang nakipagyari sa akin na kami'y maglakbáy sa kagubatan n~gMindoro, upang doo'y magparaan n~g maligayang panahón sapan~ga~ngaso.
Hindi naglipat araw at guínanáp namin angpinagkásunduán at karakaraka'y ang aming m~gaáso'y naka-amóy n~g lungá marahil n~g usakaya't unahán kamíng sumunód sa tun~go n~gkaniláng m~ga tahulan. Sa pagtugaygáy naiyaó'y nátiwalág akó sa aking m~gakasama at sumandalíng humimpíl sa lilim n~gisáng mayabong na kahoy na di ko alumana kung anó angkanyang pan~galán, bagá mang labis akóngnápapataká na sa gayong ilang ay masamyo ko ang dimaisaysáy na ban~go na lubháng laganap sa kagubatanna pinaiibayuhan ang ban~go n~g sa tanáng sampaga.
Nakaraán ang isáng malakíng bahagui n~garaw at ang pagkainíp ay sumagui sa akin, sa dipagkárin~gíg n~g anománg hudyát naamíng pinagkasunduan, at di ko naman malaman kungsaán sila napatun~go, Kung sukatin ko naman n~g malas angnapakalawak na gubat na namámagitan sa akin at sa kabayanan,ay lubha akóng nalululá sa di matapós-tapos nam~ga dawag, na sumasatitig. Ang panglulumó ay naghari saaking damdaming di sanáy sa gayóng m~ga ilang atnawalán ako n~g kayang lumayo pá't tuntunin anglandas, sa pan~gan~ganib na sa pagsasápalaran kó'ymakásalubong n~g mababan~gis na Tamaraw.[1]
Ano pa't ang pan~gan~gambá'y lumaganap sa aking kalagayanat sa kadahilanang itó'y inihanda ko ang tagláy nabaril, upang ipagsangalang kung itó'y kákailan~ganin,subli't lalong luma